PRESYO NG KARNE NG BABOY SA CALASIAO PUBLIC MARKET, BUMABA

Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng karne ng baboy sa Calasiao Public Market.

Ayon sa ilang tindera, nasa sampu hanggang bente pesos ang ibinaba sa kada kilo ng karne ng baboy.

Naglalaro ngayon sa 340 pesos ang bentahan sa kada kilo ng ribs habang nasa 360 pesos ang kada kilo ng laman ng karne baboy.

Bumaba rin umano ang kuha umano ng mga ito sa kanilang supplier kung kaya’t nagkaroon din sila ng pagbaba.

Matatandaan na pumalo sa 400 pesos ang kada kilo ng baboy sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments