Presyo ng karne ng baboy sa Divisoria, bahagyang bumaba

Bumaba na sa P330 ang kada kilo ng laman ng baboy na itinitinda sa Divisoria partikular sa Carmen Palnas malapit sa Padre Rada sa Maynila.

Ang liempo ay mabibili ng P400 habang P340 ang porkchop, at P320 ang buto-buto.

Mabibili rin ang P450 na kada kilo ng baka, at P350 naman ang laman ng kalabaw.

Bagama’t mababa ang bentahan ng karne ng baboy, pumapalo naman sa P220 ang kilo ng buong manok habang ang hiwa na parte nito ay nasa P230.00.

Nasa P6 ang kada piraso ng maliit na itlog, P180 ang isang tray nito habang P10 ang pinakamalaki o P300 ang tray ng jumbo.

Facebook Comments