PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MANGALDAN BUMABA; ILANG FROZEN MEAT PRODUCTS NAGTAAS PRESYO

Mangaldan, Pangasinan – Bahagya umanong tumaas ang presyo ng manok sa Mangaldan Wet Market sa Mangaldan, Pangasinan ayon sa mga ilang tindera dito kung dati umano ay nasa 140-150 kada kilo ang presyo nito ngayon ay naglalaro ito sa 160-180 pesos maging ang ilang frozen meat products nagtaas din umano ng presyo.

Saad ng Provincial Agriculture Office ng Pangasinan maaari umanong bumaba ang suplay at tumaas ang demand nito sa mga consumer.

Samantala, bahagya ding sumigla ang bentahan ng baboy sa nasabing pamilihan dahil sa pagbaba ng presyo sa karne ng baboy kung dati ay nasa 370 hanggang 380 pesos kada kilo ngayon ay nasa 340-350 pesos kada kilo na lang ito.


Facebook Comments