PRESYO NG KARNE NG MANOK SA PANGASINAN, NANANATILING MATAAS!

Nananatiling mataas ang presyo ng karne ng manok sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay kahit na sinasabi na inaasahang bababa ito dahil na din sa naging pagbaba ng presyo nito sa farmgate.
Matatandaan na sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Sinag Chairman Rosendo So.

Inaasahan nilang bababa ang presyo ng karne ng manok matapos itong pumalo ng isang daan na lamang ang farm gate price nito.
Aniya, dapat ay bumalik na sa dating presyo na 150 pesos kada kilo ang farm gate price.
Subalit sa ilang pamilihan sa Pangasinan ay umaabot pa rin ito ng 180-200 pesos.
Katwiran ng ilang mga tindera, hindi pa naman umaabot sa kanila ang mga karne ng manok na ganoon kababa ang presyong ng farmgate Price kung kaya’t malulugi umano sila kung ibaba ito agad. | ifmnews
Facebook Comments