Nananatiling matatag ang presyo ng karne ng baboy sa Dagupan City Malimgas Public Market sa kabila ng unti-unting pagtaas ng demand habang papalapit ang kapaskuhan.
Ayon sa mga manininda, lumalakas na ang bentahan ng karne at unti-unti nang nakakabawi ang ilan sa puhunan kumpara noong Nobyembre, na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Ipinabatid na tuwing kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon karaniwang bumabawi ang bentahan dahil sa pagdagsa ng mga mamimili.
Sa kabila nito, wala pang naitalang pagtaas sa presyo ng karne ng baboy.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng karne ng baboy sa Dagupan City Malimgas Public Market ay ₱370 kada kilo para sa laman at porkchop, ₱330 kada kilo para sa ribs at pata, at ₱380 kada kilo para sa liempo.
Kaugnay nito, ayon pa rin sa mga tindera, nananatiling sapat ang suplay ng karne sa merkado.
Inaasahang magpapatuloy ang pagdami ng mamimili hanggang matapos ang holiday season at pagsalubong sa bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









