Matapos magmahal ang gasolina at pagkain ng alagang baboy, inaasahan na mas tataas ang presyo ng karne nito sa susunod na linggo.
Ayon kay Rosendo So, presidente ng Samahang Industrisya ng Agrikultura o Sinag, noong nakaraang linggo nasa ay P160 hanggang P180 ang kada kilo ng buhay na baboy habang 320 naman kung nakatay na ito.
Pero dahil sa nagmahal ang gasoline, nagmahal ang production cost ng mga magsasaka kaya’t nagmahal din ang presyo ng mais na isa sa pangunahing sangkap sa pagkain ng baboy.
Kung noong nakaraang linggo, P180 ang buhay na baboy ngayon ito ay posibleng umabot sa P230 kada kilo habang posibleng nasa P390 ang nakatay na.
Samantala, sinabi ni So na madami ang supply ng itlog kaya’t hindi tumaas ang presyo habang wala na ring problema sa transportasyon at maganda ang ani ng gulay sa Northern Luzon.