Presyo ng karneng baboy, posibleng tumaas

Posibleng makaapekto sa presyo ng baboy ang mahigpit na pagbabatay sa mga imported na karne dahil sa African swine fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, posibleng tumaas ng dalawa hanggang tatlong piso ang presyo ng kada kilo ng baboy bunsod ng mahigpit na monitoring ng gobyerno.

Aniya, ginagawa lahat ng gobyerno para hindi makapasok sa Pilipinas ang nasabing sakit at maprotektahan ang industriya ng baboy.


Pagtitiyak ng kalihim, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipagpulong sa mga nasa industriya ng baboy lalo na sa mga importer.

Hindi na kasi pinapayagan ng Department of Agriculture (DA) na maipasok ang mga imported na karne ng baboy maging ng mga pork processed product para matiyak na hindi makokontamina ang mga lokal na baboy.

Facebook Comments