Presyo ng karneng baboy sa Pasay Public Market, bumaba

Bumaba nang halos P10 ang presyo ng karneng baboy sa Pasay Public Market.

Ayon sa mga tindera ng karneng baboy, halos bumaba rin ang kuha nila sa mga supplier kung kaya bumagsak din halos ang presyo nito.

Dahil dito, sumigla muli ang bentahan ng karneng baboy kumpara noong mga nakaraang buwan.

Sa ngayon ay naglalaro ang presyo ng Kasim at Pigue sa P360 kada kilo na dati ay pumalo sa P390 kada kilo. Ang laman at liempo naman na umabot sa P460 ay mabibili na ngayon sa P420 sa kada kilo.

Habang ang porkchop P300 sa kada kilo, atay ng baboy na P240 sa kada kilo na dating mabibili ng P300 at puso ng baboy na P320 kada kilo.

Facebook Comments