Tumaas na rin ang presyo ng bamboo sheet o labong at iba pang produkto na mula sa kawayan.
Ito ay dahil sa kakulangan ng suplay ng kawayan sa bansa.
Ayon kay Philippine Bamboo Foundation Incorporated President Ed Manda, malaki ang pangangailangan sa kawayan na hindi napraprayoridad ng gobyerno.
Samantala, kaya umano tugunan ng seaweeds industry ang kakulangan ng feeds at fertilizer sa bansa kung tutulungan ng pamahalaan ang mga seaweed farmer.
Sinabi ni Seaweed Industry Association of the Philippines President Alfredo Pedrosa III na ang Pilipinas ang pangalawa sa buong mundo pagdating sa mga exporter at producer ng seaweed sa kabila ng maliit na suporta ng pamahalaan sa kanila.
Mayaman aniya ang seaweed sa mineral na malaking tulong upang mas lalong maging mataba ang lupa, maging ang mga halaman.
Dagdag pa ni Pedrosa, makakatulong din ang mga seaweed bilang pakain sa mga livestock, maging sa poultry.
Giit ni Pedrosa, ito ang dapat sikapin ng gobyerno upang makatulong sa mga nag-aalaga ng hayop ngayong mahal ang patuka o pakain sa kanilang mga livestock at poultry farm, maging ang problema sa abono sa taniman.