Thursday, March 26, 2026

Presyo ng langis, hindi kontrolado ng pamahalaan —PBBM

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kontrolado ng pamahalaan ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, ngunit hindi aniya dapat ipasa sa taumbayan ang buong epekto nito.

Ayon sa pangulo, malinaw ang prayoridad ng pamahalaan na agad na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Binigyang-diin din niya na hindi dapat maramdaman ng bawat pamilya ang bigat ng krisis na wala naman silang kinalaman.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nakatuon ang pamahalaan sa mabilis at direktang tulong, lalo na sa pagkain, pamasahe, kuryente, at iba pang pangunahing gastusin.

Kailangan aniyang maramdaman agad ang aksyon ng gobyerno at hindi ito dapat maantala.

Facebook Comments