Presyo ng langis, sisipa sa Martes

Muling magpapatupad ng oil price increase epektibo sa Martes, March 26.

 

Gaya noong nakaraang linggo, gasolina ang may pinakamataas na dagdag-presyo na maglalaro sa P0.65-P0.75 kada litro.

 

Hanggang P0.15 naman sa kada litro ng diesel at P0.10 sa kerosene.


 

Ito na ang ika-pitong sunod na linggo na magpapatupad ng oil price increase.

 

Una nang sinabi ng Department Of Energy (DOE) na maraming refinery sa Asya ang nagpatupad ng maintenance shutdown na nagresulta ng pagmahal ng imported na langis.

Facebook Comments