Presyo ng langis, tataas!

May taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

 

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo ng krudo sa world market.

 

Maglalaro sa P0.90 hanggang P1.00 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.70 hanggang P0.80 sa diesel at kerosene.


 

Tuwing araw ng martes kadalasang nagpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

 

 

Facebook Comments