Presyo ng lechon, patuloy ang pagtaas; QC Veterinary Office, nagbabala naman sa pagbili ng lechon online

Dahil sa taas ng demand ngayong panahon ng kapaskuhan at kakulangan ng supply, patuloy ang pagtaas ng presyo ng lechon.

Base sa monitoring sa kilalang lechonan sa lalo Quezon City, nasa 7500 pesos ang pinakamaliit na may timbang na pitong kilo habang 15,000 naman ang nasa 28 kilos.

Paliwanag ni Dra. Anna Cabel ng QC ng veterinary office, ito ay dahil dumarami ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Quezon at iba pang lalawigan kung saan hinahango ang baboy.


Walang nakitang problema sa isinagawang inspeksyon ng QC Veterinary Office sa La Loma matapos makitang malinis ang pag-aasikaso sa paggawa ng lechon at hindi infected ng ASF ang mga baboy

Sa kabila nito, babala ni Dra. Anna Cabel, maging maingat sa pagbili ng lechon o karne ng baboy online.

Facebook Comments