Presyo ng Lechon sa La Loma Quezon City hindi na gagalaw bago matapos ang taon  

Nakapako na ang presyo ng Lechon sa La Loma, Quezon City.

Ayon Kay La Loma Lechoneros Association President Ramon Ferrero, hindi na gagalaw ang presyo ng Lechon hanggang sa katapusan ng taon.

Sisipa lang ito bago mag-New Year na posibleng tumaas nang hanggang ₱1,000.


Tambak na rin ang order mula pa Noong december 1 para sa mga Christmas Party.

Tingin nila, unti-unti na ring nakakabangon ang industriya ng baboy kasunod ng isyu ng African Swine Fever.

Tiniyak naman ng Lechoneros na patuloy pa rin ang paghihigpit nila sa sakit.

Sa ngayon, nasa ₱4,000 hanggang ₱15,000 ang presyo ng Lechon, depende sa laki.

Facebook Comments