Presyo ng lokal na galunggong sa ilang pamilihan, nanatiling mataas

Nanatiling mataas ang presyo ng galunggong sa ilang pamilihan sa Metro Manila partikular na sa Pasay Public Market.

Sa kabila ng matatag na suplay, hindi pa rin bumaba ang presyo nito na umabot na sa P300.

Sa panayam ng RMN Manila kay Gracia Ravas, marami naman ang ibinabagsak na galunggong sa kanila bago pa pumasok ang 2024 ngunit nagpa-bago bago nga lamang ang presyo nito lalo na ang mga lokal na galunggong.


Sinabi pa niya na nagiging mabenta na rin ang frozen na galunggong dahil mas pipiliin daw kasi ng mamimili ‘yung murang presyo naglalaro kasi ang frozen na galunggong sa P240 to P260.

Samantala, napansin din ng ilang mga tindera na kakaunti ang ibang uri naman ng isda na ibinabagsak sa kanila, malamig kasi ang panahon ngayon kung kaya kakaunti naman ang suplay ng ibang uri ng isda.

Facebook Comments