Manila, Philippines – Big time price hike sa cooking gas o LPG ang sasalubong sa publiko sa unang araw ng Oktubre.
Nabatid na halos limang piso kada kilo ang katumbas na dagdag sa imported na presyo ng LPG sa world market.
Ibig sabihin, kung buong P490 ang magiging dagdag mahigit 50 pesos ang taas presyo sa 11 kilogram na tangke.
Sa katunayan, nag-anunsyo na ang kompanyang regasco ng apat na pisong dagdag sa bawat kilo o P44 na dagdag sa kada tangke ng kanilang LPG.
Sabi naman ni LPGMA REP. Arnel TY, may kinalaman sa dalawang magkasunod na hurricane sa amerika ang pagsipa ng presyo ng LPG.
Matatandaang mahigit limang piso kada kilo ang itinaas sa presyo ng lpg nitong agosto lamang na sinundan ng isa pang price hike na lagpas dalawang piso ngayong Setyembre.
Bukod dito, may nagbabadya ring price adjustment sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.