Presyo ng LPG, tataas ngayong araw

Magpapatupad ang ilang kompanya ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng taas sa presyo ng kanilang mga produkto ngayong araw.

Ayon sa Petron, P3.88 ang kanilang taas-presyo sa kada kilogram ng LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi.

Magpapatupad din ang Petron ng P2.17 taas-presyo sa kada litro ng autoLPG.


Habang nasa P3.41 naman ang dagdag ng Solane sa kada kilogram ng kanilang LPG simula alas-6 ng umaga.

Facebook Comments