Presyo ng LPG, tatapyasin ngayong araw 

Magpapatupad ng bawas presyo sa Liquiefied Petroleum Gas (LPG) Petron Corporation ngayong araw.

Sa abiso ng Petron, mayroon P0.20 bawas sa presyo ng kada Kilogram ng kanilang Gasul at Fiesta Gas na katumbas ng P2.20 bawas presyo.

Babawasan rin ng P0.10 ang presyo ng kada Litro ng kanilang auto-LPG.


Ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan namang susunod ang iba pang kumpanya na magpatupad ng bawas presyo sa LPG at auto-LPG.

Facebook Comments