Manila, Philippines – Epektibo kaninang alas sais ng umaga, nagpatupad ng dagdag-presyo sa LPG ang Eastern Petroleum.
Sa abiso ng oil company, dagdag na P3.40 kada kilo o P37.40 sa kada 11-kilong tangke ng LPG ang kanilang ipinataw.
Ang taas-presyo ay bunsod umano ng pinagsamang epekto ng pagtaas sa contract price at pagpapatupad ng ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng TRAIN law.
Nauna nang nagpatupad ng taas-presyo sa cooking gas ang mga kumpanyang petron at solane noong Biyernes.
Facebook Comments