Taas-presyo sa LPG ang sasalubong sa mga consumer ngayong unang araw ng Mayo.
Sa abiso, magpapatupad ang petron ng 85 centavos per kilogram na taas-presyo sa LPG habang 48 centavos sa Auto LPG.
Kaparehong price adjustment din ang ipatutupad ng Phoenix.
Nasa 82 centavos naman ang price hike para sa Solane-branded LPG.
Epektibo na ang dagdag-presyo ng Phoenix kaninang hatinggabi habang mamayang alas-6:00 ng umaga ang sa Petron at Solane.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy, as of February 1, nasa ₱934 hanggang ₱1,118 na ang presyo ng kada 11-kilogram na tangke ng LPG.
Facebook Comments