Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga motor oil o lubricants sa bansa.
Ito ay dahil na rin sa walang tigil na taas-presyo nito sa world market na siyang nakakaapekto sa pagsipa naman ng bentahan sa lokal na merkado.
Ayon kay Ernie Arnold, pangulo ng Auto Parts Association, halos limang beses nang tumaas ang presyo ng lubricants sa nakalipas lamang na isang taon.
Aniya, kung dati ay nasa ₱1,500 lamang ang kada isang gallon ng lubricant, ngayon ay pumapalo na ito sa ₱2,000 hanggang ₱2,500.
Kaya naman, sinabi ni Arnold na may ilang motorista na ang gumagawa na ngayon ng paraan upang makabawas sa dagdag na gastos na ito.
Dagdag pa niya, nababahala siya sa ganitong sistema dahil maraming aksidente ang nangyayari sa kalsada bunsod ng mga palpak na mga pyesa at lubricant na ginagamit.