Inihayag ng mga magsasaka sa Cutar Aritao, Nueva Vizcaya na nagpatupad na sila ng bagsak-presyo sa kanilang inaning luya.
Naglalaro na lang sa P100 kada 5 kilo o P20 ang presyo sa kada kilo ng luya para lamang maubos at hindi mabulok.
Ayon sa mga magsasaka, mas pipiliin na lang nilang ibaba ang presyo ng mga inaning luya, kaysa masayang at tuluyang hindi na ito mapakinabangan.
Dagdag pa nila, isa pa sa mga dahilan ay dahil nagkasabay-sabay ang pag-aani ng mga kapwa nila magsasaka sa bayan ng Kasibu, kaya’t dumami ang produksyon nito.
Kasunod nito, umaasa naman ang mga magsasaka na matutulungan sila ng Department of Agriculture (DA) na masolusyonan ang sobrang ani ng mga luya sa kanilang lugar.
Nanawagan din sila sa mga mall at supermarkets na bilhin na ang mga sobrang ani nilang mga luya.