Presyo ng manok, bumagsak dahil sa Avian flu outbreak sa Pampanga – halaga ng isda at iba pang karne, stable

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Trade and Industry ang pagbaba ng presyo ng manok sa ilang pamilihan.

Sa harap ito ng Avian influenza outbreak sa Pampanga.

Ayon kay Trade Usec. Teodoro Pascua, matumal ngayon ang bentahan ng manok at bumaba ang presyo nito sa 130 hanggang 135- pesos kada kilo.


Ito ay mula sa dating presyo P140 hanggang P150 kada kilo

Tiniyak naman ng DTI na walang paggalaw sa presyo ng isda, karne ng baboy at baka.

Umapela naman ang DTI sa mga konsumer ng manok na tangkilikin pa rin ang poultry products sa mga palengke.

Hindi naman anila kasi lahat ng manok ay galing ng Pampanga kundi umaangkat din ang iba mula sa Bulacan at Batangas.

Facebook Comments