Bumaba ng bente pesos ang presyo sa kada kilo ng karneng manok sa ilang pamilihan sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera ng karne sa Malimgas Public Market, nasa 200 pesos ang naging presyuhan nila sa kada kilo ng manok simula pa noong nakaraang Huwebes.
Maaaring manatili ang presyo dahil wala naman umanong kakulangan sa suplay nito.
Kahit pa kapapasok lang din umano ng ber months ay tiyak na hindi pa mararamdaman ang demand nito kaya’t hindi pa magkakaroon na mataas na dagdag sa presyo nito.
Sa kabilang banda, ang karne naman ng baboy ay nasa 380 pesos kada kilo, 370 sa porkchop habang 390 naman sa liempo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









