Presyo ng manok sa farmgate, lalo pang bumaba dahil sa malaking inangkat na manok ng pamahalaan

Lalo pang bumaba ang farmgate price ng manok dahil sa mas malaki ang inangkat na manok ng pamahalaan.

Sinabi ni United Broiler Raisers Association (UBRA) Chairman at Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio San Diego, nasa P97 kada kilo ang presyuhan ngayon sa farmgate matapos mabawasan ng P40 ang kada kilo.

Paliwanag ni San Diego, noong Abril kasi ang ini-import ng bansa ay 24 million, tapos noong Mayo ay tumaas sa 28 milyon at ngayon ay pumalo na sa 45 million.


Kaya naman aniya ay bumagsak ang presyo ng manok sa farmgate.

Dagdag pa ni San Diego, naiparating na nila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang problema na ito sa labis na pag-a-angkat ng manok kung saan ikinagulat ito ng pangulo.

Iminungkahi aniya nila kay Marcos Jr., na bawasan ang ina-angkat para mahikayat ang mga local producer na magdagdag ng kanilang produksyon.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni San Diego na kakaunti ang produkyon ng lokal na manok sa panahon ng pasko.

Facebook Comments