Nananatili pa rin ang presyuhan ng inilalakong produktong manok sa ilang pamilihan sa Dagupan City sa kabila ng pagpapatupad ng importation ban sa mga poultry products mula sa ibang kalapit na bansa.
Ang dahilan ng baba ng presyo ng naturang produkto ay dahil sa walang problema sa suplay nito dahil sapat naman sa ngayon ito ayon sa mga retailer ng manok at ng ilang poultry product vendors sa lungsod.
Bagamat may ipinatupad na importation ban ngayon dahil sa umiiral na bird flu outbreak na nararanasan ng ilang katabing bansa tulad na nag-iimport ng poultry product dito sa Pilipinas gaya na lamang ng Japan ay hindi pa naman daw ramdam ang epekto nito sa suplay ng produktong manok.
Sa ngayon, sa ilang pamilihan sa lungsod ay naglalaro ang presyo ng produktong manok mula sa 160 pesos hanggang 170 pesos ang kada kilo. | ifmnews
Facebook Comments