Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga manok sa mga pamilihan partikular sa Marikina public market.
Nabatid na mula sa P135. 00 kada kilo, pumalo na ngayon P150. 00 kada kilo ang presyo nito.
Kwento ng mga tindera, mataas daw ang kuha nila sa bagsakan kaya’t kinakailangan nilang taasan ng kaunti ang presto nito para magkaroon ng tubo o kita.
Napag-alaman na marami sa mga broilers ang nahihirapan na magpalaki ng mga manok tuwing panahon ng tag-init dahil marami sa mga ito ang namamatay.
Iginiit pa nila na kinakailangan nilang magdagdag ng presyo dahil dumoble ang gastos nila sa pag-aalaga maging sa pagbili ng patuka kasama na ang patubig.
Facebook Comments