Manila, Philippines – Kasunod ng pangamba dahil sa bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga, ilang mga tindera sa mga palengke ang nagbawas na ng presyo ng kanilang panindang manok.
Bumaba sa P120 kada kilo ang presyo ng manok sa ilang market mula sa dati nitong presyo na P140 hanggang P150 per kilo.
Hindi naman gumalaw ang presyo ng manok sa mga supermarket pero binawasan na nila ang supply hanggang sa 40 porsiyento.
Samantala, nanawagan ang Malacañang sa publiko na manatiling kalmado dahil ginagawa na ng pamahalaan ang lahat para masugpo ang nasabing sakit.
Sa ngayon ay nagsagawa na ang Department of Health at Department of Agriculture ng imbestigasyon at mga paraan para mapigil ang paglawak ng outbreak.
Facebook Comments