Nararanasan ngayon ng ilang mamimili ang pagtaas ng presyo ng manok na tumaas ng sampu hanggang dalawampung piso kada kilo sa ilang pamilihan sa Pangasinan.
Sa Malimgas Public Market ng Dagupan, tumaas ng sampung piso ang kada kilo, dating P170 ngayon ay P180 maging sa ilang pamilihan sa lalawigan.
Bagamat inilulunsad sa lalawigan ng Pangasinan ang temporary total ban sa pagpasok ng mga manok kasama ang mga by-products ng mga ito, ay nananatiling masigla ang poultry industry sa lalawigan na layuning maprotektahan ang mga residente sa posibleng masamang epekto ng bird flu.
Samantala, sa kabila nito ay tiniyak din ng Provincial Veterinary Office ang sapat na suplay ng mga manok sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments