Nananatili sa dalawang daang piso ang presyo ng kada kilo ng manok sa mga pamilihan.
Ayon kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, ito ay dahil mataas pa rin ang demand at maliliit ang mga manok na nanggagaling sa mga poultry.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Engr. So, sinabi nito na apektado ang presyuhan sa mga pamilihan dahil din sa epekto ng panahon kung saan ay mababa ang timbang ng mga manok na nagmumula sa mga farm.
Hindi pa aniya tiyak kung hanggang kailan ito dahil marami pang ibang dahilan kung bakit nananatili ang presyo nito na 200 pesos per kilo sa mga pamilihan. | ifmnews
Facebook Comments