Nagsimula ng tumaas ang presyo ng mantika sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine Coconut Authority (PCA) Administration Benjamin Madrigal, tumaas ang presyo ng copra na ginagamit sa paggawa ng mantika.
Nakakaapekto rin aniya sa agricultural input ang patuloy na pagtaas presyo ng produktong petrolyo bukod pa sa pandemya.
Sa Kamuning Market, tumaas ng P90 hanggang P92 ang presyo ng kada litro ng mantika mula sa dating P80 hanggang P82.
Facebook Comments