Hinimok ngayon ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang mga Pangasinense na mamili na ng mas maaga upang maiwasan ang tinatawag na Holiday Rush.
Lalo pa ngayon na wala pang pagtaas ng presyo ng mga Basic Commodities at Noche Buena Items.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, base sa kanilang monitoring hanggang kahapon ay wala pang naitalang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin maging ng Noche Buena Items.
Maiging samantalahin ito aniya ng mga mamimili lalo pa at hindi pa alam ang magiging pag galaw kapag nagbaba na ng Suggested Retail Price ang DTI.
Kaugnay nito ay nagpaalala naman ang opisyal na icheck ang mga expiration date ng mga binibili bago bilhin upang makaiwas sa aberya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments