Presyo ng mga bilihin at produktong pang-agrikultura, hindi maapektuhan ng giyera sa Israel

Walang nakikitang senyales ang isang grupo ng mga negosyante na makaapekto sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura ang nangyayaring giyera ngayon sa israel.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na walang masyadong produktong inaangkat ang Pilipinas mula sa Israel sa halip mga technical digital platforms lamang.

Sa usapin ng agrikultura, vertical agriculture o farming lamang ito pero hindi naman ganun kalaki.


Mas marami pa aniyang nakukuhang produkto ang Pilipinas sa ASEAN countries.

Kaya sa kasalukuyan ayon kay Concepcion nakikita nilang matatag ang presyo ng mga bilihin kasama na ang asukal.

Panalangin lang ng opisyal huwag lamang bagyuhin nang malakas ang bansa, ito ay kahit na sa ganitong mga panahon aniya ay malalakas na bagyo ang inaasahan at papasok na ang amihan.

Kaya naman sinabi ni Concepcion na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil patuloy na nagiging matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ang posible aniyang maapektuhan ng giyera sa Israel kapag lumala pa ay ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments