Presyo ng mga bilihin at sweldo, top 2 concerns ng mga Pinoy – Pulse Asia Survey

Manila, Philippines – Nangungunang concern pa rin ng mga Pilipino ang presyo ng mga bilihin at sweldo.

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula September 24 hanggang 30, lumabas 50 percent ng kadalasang hinaing ng mga Pinoy ang hindi makontrol na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Habang 42 percent naman ang tungkol sa umento sa sahod.


Pasok din sa top 5 concern ng mga Pinoy ang pagkakaroon ng maraming trabaho, paglaban sa kriminalidad at kampanya kontra korapsyon.

Nais din ng mga Pinoy na aksyunan ng gobyerno ang mga problema sa imprastraktura, pagbaha at iligal na droga.

Facebook Comments