Iginiit ni Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairman Senator Mark Villar na maging consistent ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pag-monitor ng presyo ng mga bilihin lalo ngayong holiday season.
Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang pagsama niya sa isang price monitoring activity ng DTI kahapon.
Pinatitiyak ni Villar na dapat ay maiging nababantayan ng ahensya na nakakasunod ang merchants at retailers sa Philippine Standards o PS Quality para sa mga locally-made na produkto at sa Import Commodity Clearance o ICC.
Ayon kay Villar, maliban sa mga home improvement equipment at fixtures ay mahalaga ring ma-monitor ang presyo ng mga pagkain at bulaklak para masigurado na patas ang presyo para sa ating mga mamimili.
Nanawagan din si Villar sa publiko na tumulong sa pagre-report ng mga nagbebenta ng mga produktong hindi sumusunod sa suggested retail price (SRP) ng DTI at sa quality standards.