Mataas ngayon ang bentahan ng mga bulaklak sa Dagupan City ayon sa mga flower shop owners.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Esperanza Runas, may ari ng isang flower shop sa lungsod, asahan umano ang mataas na presyo ng mga bulaklak dahil sa okasyon ngayong buwan ng Pebrero dahil sa Valentine’s Day.
Ayon pa sa kanya, nasa 80 pesos ang pinakamababang presyo ng bulaklak partikular na sa roses kung saan ito kadalasang binibili dahil sa pagiging romantic nito.
Nasa 3,000 pesos naman pinakamataas na presyo ng bulaklak depende sa napiling pang-disenyong bulaklak o fillers.
Inaangkat umano ang ibinibentang mga bulaklak sa Baguio City at ang iba naman ay nanggagaling pa mismo sa Dangwa Flower Market sa Manila.
Dagdag pa ni Runas, pareho ang presyuhan ngayon kumpara noong mga nakaraang taon dahi sapat naman ang suplay ng mga ito at tumataas lamang umano aniya ang mga bentahan ng mga bulaklak kung may kakulangan na sa mga ito.
Hinikayat ni Runas ang mga mamimili na agahan na ang pagbili sa mga bulaklak o magpa-reserve upang hindi na maubusan ng mga bulaklak na nais bilhin sa mga minamahal sa buhay. |ifmnews
Facebook Comments