Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, abot kaya pa!

Manila, Philippines – Wala pang dapat ikabahala ang publiko sa presyo ng mga bulaklak dahil walang nakikitang problema ang mga nagtitinda ng mga bulaklak sa Dangwa na matatagpuan sa Laong laan Street Sampalok Manila para sa supply ng mga bulaklak sa papalapit na Undas All Saints day at All Souls day.

Ayon kay aling Lorna Fernandez ng Claire Flowershop hindi umano nakaapekto ang dumaang bagyong Paulo sa supply ng mga bulaklak mula Baguio at Benguet kayat asahan na umano ng publiko na makapili sila ng mga sariwa at naggagandahang bulaklak sa mga flower shops sa Area ng Dangwa.

Anya mayroong sapat na supply ng bulaklak na nagsipadatingan mula sa bansang China at Holland para sa linggo ito at may inaasahan pang bulto pa ng mga bulaklak na darating ilang araw bago ng Undas.


Paliwanag ni Fernandez walang pagbabago ang presyo ng mga bulaklak gaya nalamang ng rosas 150 pesos isang dosena, Malaysian mums 150 pesos isang dosena, Star Gaizer 140 pesos isang stem, Orchaids 550 pesos apat na dosena,Carnation 170 pesos,Gervera 170 pesos 10 piraso at Astromerian 50 pesos isang bundle karamihan sa mga bulaklak ay galing sa Baguio,China at Holland.

Facebook Comments