Ngayong Bisperas ng Araw ng mga Puso, unti-unti nang nagpupunta ang mga tao dito sa Dangwa sa lungsod ng Maynila para bumili ng mga bulaklak.
At dahil bukas ay Valentine’s Day na, asahan na ang unti-unting pagtaas sa presyo ng mga bulaklak.
Ilan sa mga presyo ng mga bulaklak (as of Feb. 13):
– Stargazer, P180 hanggang P200 kada piraso
– Tulips, P210 kada piraso
– Ecuadorian Rose, P200 kada piraso
– Indian Rose, P100 hanggang P120 kada piraso
– Local Rose, P80 hanggang L120 kada piraso
– China Rose, P120 kada piraso kung pula; kapag ibang kulay, P100 kada piraso
– Gerbera, P180 kada sampung piraso
– Sunflower, P150 kada piraso (nagmahal na, mula sa P100)
– Carnation, P600 kada bouquet
– Malaysian Mums, P150 kada bouquet
– Orchids, P500 hanggang P600
– Paper Roses, P300 kada bouquet
Habang ang mga ang arranged flowers ay pumapalo sa:
– Small bouquet, P600 hanggang P1,000 depende sa mga bulaklak na kasama o assorted
– Big bouquet, P1,000 hanggang P3,000 depende sa mga bulaklak na kasama o assorted
– Bouquet na may kasamang tsokolate, P1,500
– Stuffed Toy Bouquet – P600 hanggang P1,800 depende sa laki
– Mga lobo na may kasamang bulaklak o tsokolate, P200 hanggang P500
Sa mga pupunta sa Dangwa ngayong umaga, medyo maluwag pa ang daloy ng trapiko sa Laon-Laan at sa Dimasalang Streets Pero asahan na ang pagsikip dito mamayang hapon at sa gabi.
Mahigpit naman ang pagpapatupad ng “No Parking, No Obstruction at No Vendor Policy” subalit may mga nagtitinda pa din sa mga bangketa kung saan wala pang tugon ang barangay o ang lokal na pamahalaan ng maynila kung pinapayagan nila ito.