Presyo ng mga construction materials sa mga proyekto ng gobyerno, ipinabababa ni PBBM sa 50%

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ibaba ng hanggang 50% ang presyo ng mga construction materials matapos matuklasang sobra ang patong sa ilang proyekto ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, lumabas sa pagsusuri ng DPWH na overpriced ang ilang materyales tulad ng asphalt, bakal, at semento na umaabot pa sa kalahati ng tunay na presyo sa merkado.

Layon aniya ng kautusan na matiyak na tama at makatotohanan ang gastos ng gobyerno at hindi nasasayang ang pera ng taumbayan.

Sa pagbaba ng presyo, makakatipid umano ang pamahalaan ng ₱30 hanggang ₱45 bilyon sa mga proyekto sa imprastraktura.

Kasabay nito, ipinag-utos din ng pangulo sa DPWH na ipagpatuloy ang pagsusuri sa mga proyekto at kontrata upang matukoy ang mga kaso ng katiwalian.

Facebook Comments