CAUAYAN CITY- Bago pa man ang pagdating ng Bagyong Enteng sa Lungsod ay patuloy na ang pagbaba ng mga presyo ng gulay sa siyudad ng Cauayan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Myrna, isa sa nakikitang dahilan ng pagbaba ng presyo ng gulay ay ang pagkakaroon ng maraming suplay nito.
Aniya, halos kalahati sa orihinal na presyo ang ibinaba ng mga gulay sa merkado.
Dagdag pa niya, hindi nakaapekto sa presyo ang bagyong Enteng ngunit maaaring tumaas muli ang presyo nito sa susunod na Linggo lalo na at may mga pananim na nasalanta ng bagyo.
Samantala, ikinatuwa naman ng ilang konsyumer ang pagbaba ng presyo nito lalung-lalo na ang mga nagtitipid at pilit na pinagkakasya ang badyet sa pamilya.
Facebook Comments