Presyo ng mga gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila, lalo pang tumaas ng P10 hanggang P20!

Pumalo na sa P10 hanggang P20 ang itinaas ng presyo ng mga gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila, isang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding sa Luzon.

Sa Blumentrit, Maynila, naglalaro sa P120 ang kada kilo ng pechay o chinese cabbage mula sa dating P60.

Nagmahal na rin ang pulang sibuyas na nasa P240 ang kada kilo mula sa P190; P160 mula sa P120 naman ang kamatis; at sitaw na tumaas na sa P100 kada kilo mula sa P80.


Habang, ang talong ay nasa P100 na ang kada kilo mula sa P80; carrots na P160 mula sa P140; at ang patatas ay nasa P100 mula sa dating P60 kada kilo.

Na-monitor din ang taas-presyo sa ilang mga gulay sa sa New Las Piñas City Public Market; Guadalupe Public Market sa Makati City; Marikina Public Market; Malabon Central Market; Pamilihang Lungsod ng Muntinlupa City; San Andres Market, Quinta Market at Pritil Market sa lungsod ng Maynila; Pasig City Market at Pasig City Mega Market; Commonwealth, Muñoz at Mega Q Mart sa Quezon City.

Kasunod nito, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Undersecretary Kristine Evangelista na nagtataka sila kung bakit P10 hanggang P20 ang dagdag-presyo ng ilang mga gulay pagdating sa Metro Manila, gayung P2 hanggang P5 lamang ang pataw sa trading post.

Facebook Comments