Kahit may nararanasan ngayong kalamidad, nagbigay ng katiyakan ang grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG na hindi nito umano maaapektuhan ang suplay at presyo ng mga gulay mula Region 1.
Ang karamihan sa mga lowland vegetable, doble na ang ibinaba sa presyo nito matapos ang bagyong Egay.
Ayon sa SINAG, ang bagyo naman ay nasa region 2 at hindi masyadong naaapektuhan ang region 1 at ilan pang regions dahil ang southern luzon at Pangasinan ang siyang nagpoproduce ng mas malaking suplay ng gulay.
Samantala, ang pinangangambahan ngayon ng ilan sa mga tindera ng gulay sa bahagi ng Malimgas Market ay ang pagtaas ng umano ng presyo ng mga gulay mula Benguet dahil sa pagkakaroon ng problema sa kalsada dulot ng tuloy tuloy na pag ulan.
Ngunit sa ngayon naman ay bumaba ang presyo ng Highland vegetables kung saan ang presyo per kilo ng carrots at cabbage ay nasa 100 pesos, patatas at chinese pechay na nasa 120 pesos per kilo, at baguio beans na nasa 200 pesos ang per kilo.
Samantala, ang isdang bangus sa fish market naman ay bahagyang tumaas kung saan nasa 120 pesos per kilo ang small size, 175 pesos per kilo ang medium size, at nasa 180 pesos per kilo naman ang big size.
Tumaas din ang iba pang klase ng isda na ibinebenta dahil sa hindi muna makapalaot ang mga mangingisda para manghuli dahil sa nararanasang sama ng panahon. |ifmnews
Facebook Comments