Presyo ng mga gulay sa Pasig Mega Market, tumaas ng ₱20 hanggang ₱60

Kung sa La Trinidad Trading Center sa Benguet, ay nagmahal na ang presyo ng ilang mga gulay dahil sa pag-ulan mas mataas ang bagsak nito sa Metro Manila.

Sa Pasig Mega Market, halimbawa na ₱20 hanggang ₱60 ang itinaas ng ilang mga gulay gaya nalamang ng repolyo na dating ₱80 per kilo, ngayon ₱140 na ang kilo.

Habang ang Baguio Beans na dating ₱120 per kilo, ngayon ay ₱170 na ang kilo.


Tumaas din ang presyo ng pechay Baguio, na dating ₱70 ang kilo pero ngayon ay ₱100 na ang kilo.

Maliban diyan, ₱20 naman ang itinaas sa kilo ng iba pang gulay, tulad ng patatas, carrots, pipino, at ampalaya.

Dahil sa mahal na presyo, matumal din ang bentahan ng gulay.

Napag-alaman na dahil sa bagyo at habagat, nabulok ang ilang paninda sa Benguet at tumaas din ang presyo ng ilang gulay.

Facebook Comments