PRESYO NG MGA KANDILA SA DAGUPAN, BINABANTAYAN NG DTI PANGASINAN

Nagsagawa na ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ng price monitoring sa mga tindang kandila sa ilang pangunahing mall sa lungsod ng Dagupan.

Layunin ng aktibidad na matiyak na nasusunod ng mga establisyemento ang tamang at angkop na suggested retail price (SRP) ng mga kandila, lalo na’t papalapit na ang paggunita ng Undas kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili.

Ayon sa DTI, batay sa isinagawang inspeksyon, nananatiling nasa tama ang presyo ng mga kandila sa mga pangunahing pamilihan at wala pang inaasahang paggalaw o pagtaas ng presyo sa mga darating na araw.

Dagdag pa ng ahensya, patuloy nilang binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang anumang pang-aabuso sa presyo habang papalapit ang Undas.

Hinimok din ng DTI ang mga negosyante na patuloy na sumunod sa itinakdang SRP upang mapanatili ang patas na kalakalan at proteksyon sa mga mamimili.

Samantala, pinaalalahanan din ang publiko na maging mapanuri at agad i-report sa tanggapan ng DTI ang anumang paglabag o sobrang singil sa presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments