Presyo ng mga Noche Buena products, hindi na tataas pa ayon sa DTI

Walong araw bago ang Pasko… Good news!

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na tataas pa ang presyo ng mga produktong pang-Noche Buena.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, wala nang mangyayaring pagtaas ng presyo dahil mas gusto ng mga manufacturers na mas mabilis na mabili ang kanilang mga produkto.


Aniya, sa totoo lang ay marami nang buy one, take one ang ino-offer sa mga mamimili para maubos agad ang kanilang mga stocks.

Samantala, siniguro naman ni Castelo na sapat ang suplay ng mga Noche Buena products at nasusunod ang price guide nito.

Payo pa ni Castelo sa publiko na mas makatitipid kung sa mga grocery o supermarkets na mamimili dahil direkta nila nakukuha ang mga supply mula sa mga manufacturers, kumpara sa mga palengke na mas mataas ang patong sa presyo ng mga nasabing produkto.

Facebook Comments