𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗢𝗖𝗛𝗘 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Nakatakdang ilabas ngayong linggo ng ahensyang Department of Trade and Industry o DTI ang mga Suggested Retail Price o SRP ng mga Noche Buena products para sa nalalapit na selebrasyon ng holiday season.
Inaasahan naman ng mga mamimili sa lalawigan ng Pangasinan na hindi sisipa ang presyo ng mga noche Buena products ngayon dahil sapat na raw ang nararanasang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado partikular ang bigas at mga karne.
Maging ang presyuhan sa mga prutas na kakailanganin naman ay inaasahan ding mababa o nasa katamtamang presyo lamang upang maenjoy daw ng mga ito ang pagtatapos ng taong 2023 at pagsalubong ng 2024 na hindi poproblemahin ang gastusin sa sunod na taon.

Samantala, tiniyak ng DTI na nakaantabay ang ahensya sa mga pamilihan upang masiguro na tumatalima ang mga product sellers sa panuntunang itinakda na nakapaloob sa ilalabas na SRP ng mga produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments