Presyo ng mga pang-Noche Buena items, patuloy na binabantayan ng DTI ilang araw bago ang Kapaskuhan

Patuloy na mino-monitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pang-Noche Buena items, lalo’t ilang araw na lamang bago ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, araw-araw silang nagsasagawa ng price monitoring sa mga supermarket, grocery store, at pamilihan.

Aniya, wala pa namang natatanggap na ulat ang ahensya hinggil sa labis na pagtaas ng presyo ng mga pang-Noche Buena items, bunsod na rin ng ipinatutupad na price guide ng DTI.

Tiniyak din ng kagawaran na sapat ang suplay ng naturang mga produkto at walang inaasahang kakulangan hanggang sa pagtatapos ng taon.

Nanawagan naman si Roque sa mga mamimili na agad ipagbigay-alam sa DTI ang mga retailer na magbebenta ng produkto nang lampas sa itinakdang price guide.

Facebook Comments