Tiniyak ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na walang magiging paggalaw sa basic necessities at prime commodities.
Ito’y kasunod ng pagkakapatay sa top Iranian Military Leader sa Iraq.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, wala pa silang natatanggap na anumang request para baguhin ang Suggested Retail Price (SRP).
Pero sinabi ng kalihim na posibleng magkaaron ng impact sa presyuhan sa langis ang nangyari sa Iraq.
Ang mga basic necessities ay kagaya ng sardinas, gatas, kape, tinapay, instant noodles, sabong-panlaba, tubig, at kandila.
Ang mga prime commodities naman ay luncheon meat, meat loaf, corned beef, suka, patis, toyo, at sabong-panligo, at baterya.
Facebook Comments