Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DTI Sec. Ma. Cristina Aldeguer-Roque, sinisikap nilang maibsan ang presyo ng mga produkto para maging maganda ang Pasko ng mga consumer.
Hindi rin aniya tataas ang presyo ng higit kalahati o 50% sa 200 na Noche Buena products.
Kabilang sa mga hindi tataas ang presyo ay ang mayonnaise, ham, pasta, cheese, at all-purpose cream.
Bagama’t may ilang manufacturer na humiling ng price increase dahil isang taon na aniya silang hindi nagtataas ng presyo kahit imported pa ang mga ito, napagkasunduan nila sa DTI na hindi dapat lumagpas sa 5% ang pagtaas sa presyo.
Dagdag pa ni Roque, nanatiling maganda rin ang purchase demand ngayong holiday season.