Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na mananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, hangga’t hindi naaapektuhan ang supply ng goods ay hindi magbabago ang presyo.
Pero napansin ng kalihim na may ilang retailers ang napatupad ng presyo na lagpas sa itinakdang Suggested Retail Price o SRP.
Tinapik naman ng DTI ang mga naturang retailers at agad ibinalik sa wastong presyo ang kanilang mga produkto.
Samantala, magkakaroon ng Joint Inspection ang DTI at Dept. of Agriculture sa mga pamilihan sa mga susunod na araw.
Facebook Comments